Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 23K! PH umiskor ng pinakamataas na COVID case

0 51

Record high na 22,415 bagong kaso ng COVID-19 infection ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Lunes, Setyembre 6.

Dahil sa mga bagong kaso ay umakyat sa 2,103,331 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa bansa.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 541, nakapagtala rin ng 20,109 bagong gumaling kung kaya’t umabot na sa 1,909,361 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus infection.

May 103 pasyente naman ang nasawi dahilan para umakyat sa 34,337 ang kabuuang namatay mula sa COVID.

Nasa 159,633 ang naitala na mga aktibong kaso hanggang kahapon.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.