Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 2K bagong kaso ng coronavirus, 10K gumaling

0 57

Mahigit 10,000 mga bagong kaso ng gumaling sa COVID-19 ang naitala nitong Linggo, Pebrero 14, batay sa mga datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 337, nasa 10,967 ang mga bagong gumaling habang nakapagtala naman ng 1,928 na mga bagong kaso.

Walong katao naman ang iniulat na bagong namatay dahil sa coronavirus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base pa sa DOH, nasa 25,918 na ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa samantalang 511,743 na lahat gumaling.

Nasa 11,515 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 549,176 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.