Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 2K pasahero, trabahador tengga sa pantalan

0 295

May 1,960 pasahero at mga trabahador ang stranded sa iba’t ibang daungan dahil sa pananalasa ng bagyong `Rolly’ sa Luzon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabilang dito ang mga truck driver at cargo helper mula sa Bicol Region, Southern Tagalog, National Capital Region, at Eastern Visayas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa mga stranded, nalaman na may 83 barko, 119 motorbanca, at 846 rolling cargo ang nakatengga sa iba’t ibang daungan para na rin matiyak ang kaligtasan sa panganib na maaring suungin kapag pumalaot.

Nabatid na 24/7 din nagmomonitor ang PCG Command Center at mahigpit na ipinatutupad ang mga patakaran sa paglalayag sa karagatan kapag may bagyo.

Binabantayan ng PCG ang mga daungan sa Batangas, Calapan, Lucena, Balanacan, Romblon, Carme, Looc, Sta. Fe, Cajidiocan, Ambulong, at Real kung saan may 136 barko at 41 motorbanca ang nagkanlong. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.