Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 400K nabakunahan sa 1 araw – Palasyo

0 86

Ipinagmalaki ng Malacañang na umabot sa halos 400,000 ang nabakunahan na laban sa COVID-19 noong Hulyo 15, Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nalampasan ang dating record na 375,059 matapos maitala nitong Huwebes ang 391,283 doses na naiturok sa mga Pilipino.

“Nasa 391,283 ang naitalang daily jabs, ito po ang pinakamataas na naabot natin so far,” ani Roque.

Target ng gobyerno na maabot ang kalahating milyong pagbakuna kada araw hanggang sa makamit ang 70% na kabuuang populasyon bago matapos ang taon.

Sa kabuuan, mahigit 14 milyon na umano ang nabakunahang mga Pilipino matapos simulan ang vaccination rollout laban sa COVID-19 noong Marso. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.