Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos 50 NBA player positibo sa COVID

0 92

RP

Tinamaan ng new coronavirus ang aabot sa 48 na manlalaro sa NBA para sa isinigawang initial testing mula November 24 hanggang 30.

Ayon sa report ng The Athletic, ang nasabing bilang ay mula sa 546 manlalaro na sinuri sa COVID-19.

Inaasahan naman ng NBA na magkaroon ng ilang nagpositibo sa COVID-19 lalo’t wala na sa bubble setup ang mga manlalaro.

Para makabalik ang mga nagpositibong player sa aksyon, kailangan sumailalim sa 10 araw na quarantine ang manlalaro buhat nang makumpirmang may COVID-19.

O kaya’y magkaroon ng negatibong RT-PCR test result sa magkahiwalay na 24 oras.

Sa December 11 na sisimulan ang pre-season game sa NBA, December 22 naman ang aktuwal na regular season.

Leave A Reply

Your email address will not be published.