Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Halos P10M puslit na yosi natisod

0 217

Umabot sa P9.7 mil­yong halaga ng smuggled na yosi ang nasabat ng mga awtoridad sa bahagi ng Sulade Island sa Parang, Sulu nitong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Rear Adm. Toribio Adaci Jr., NFWM commander na ang mga puslit na yosi ay nasabat nila may 8.4 nautical miles northwest ng Sulade Island sa munisipalidad ng Parang.

Nagsasagawa aniya noon ang Navy men ng Multi-Purpose Attack Craft (BA489) ng maritime patrol papunta sa Tawi-Tawi nang matiyempuhan ang dalawang “jungkong-type” watercraft – MB Fatima Shaina at MB Ameera – na dala ang yosi.

Ang MB Fatima Shaina ay may kapitan na si Abdulhain Abdurahim, kasama ang mga crew na sina Sharif Jinnol, Ajal Frede Sali, at Mudjasam Salahuddin.

Ang MB Ameera naman ay pinamumunuan ni Rasul Kulayan at may tatlong crewmen na sina Eddie Mustala Albasir, Alkam Abdurajik Lajid, at Ridzmar Tapdi Kalim.

Sinabi pa ni Adaci na ang dalawang watercraft ay puno ng 278 master cases ng smuggled na yosi.

Dinala ang mga ito sa Majini Pier ng Naval Station Romulo Espaldon.

“Upon arrival at Naval Station Romulo Espaldon, NFWM, Zamboanga City, the apprehended perso­nalities were given medical attention by personnel from Camp Navarro Ge­neral Hospital,” ani Adaci. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.