Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hambalos ng Bagong Taon, Salagin!

0 67

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kung may malas may katapat itong suwerte. Kung may hambalos ang bagong taon, may remedyo o pansalag dito.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Maniwala man kayo sa hindi sa fengshui o geomancy ay malaki ang maititulong nito sa buhay ng tao.

Hindi ba’t nabanggit ko na sa aking unang kolumn na ang mga taong may animal sign na monkey at snake ay talagang hahbalusin ng Water Tiger ngayong 2022, ngayon naman paano natin ito kokontrahin.

May mga lugar sa ating bahay na kailangan nating bigyan ng matinding atensyon.

Pinapayuhan ng nga fengshui expert ang may animal sign monkey na huwag bibiyahe sa direksyon ng hilagang-silangan o northeast dahil makakasagupa dito ang mabagsik na guardian god Tai Sui.

SM food to go Banner Ad

Dahil din sa babala ng mga eksperto na maghirap at lalu pang maghirap ang mga monkey ngayong 2022, personal ko naman na advice mag-super tipid tayong mga monkey people ika nga. Bilhin lang ang kailangan hindi yung gusto at sikapin pa rin na magtabi o mag-ipon.

Ayon sa mga eksperto para sa pangkalahatan, dapat ma-activate ang money corner sa southeast area ng bawat bahay kahit ano pa ang animal sign. Pwedeng maglagay ng prosperity ship o Golden happy Buddha statue.

May binabanggit din ang mga fengshui expert na pwedeng magsuot ng Stupa Kalachakra Amulet o kaya ay Mystic Knot na merong 6 Chinese coins at yellow string.

Pwede ring magsuot ng mystical symbol ‘Eye of Horus’ bilang proteksyon at source ng power at fertility.

Ayon kay Fenfshui Expert Master Hanz Cua, dapat maging aktibo ngayong taon pero laging mag-Ingat lalu na sa monkeys. Magsuot ng citrine at tigers eye bilang proteksyon din at pampasuwerte pero higit sa lahat manalig sa sarili at sa Lumikha. Maaari siyang kausapin sa Tel.09228290382.

Ang todong epekto ng Water Tiger Year 2022 ay magsisimula pa sa February 1pero ngayon pa lang, nagpaparamdam na ito lalu na sa Monkey, Snake at Tiger animal signs.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.