Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hambog na killer, dinampot

0 62

NATUNTON ng mga awtoridad ang isang lalaki na wanted sa pagpatay sa kanyang kalugar matapos umano nitong gawing pulutan sa pakikipag-inuman ang ginawang krimen sa Cagayan noong 2018.

Hindi na nakapalag nang posasan ng mga tauhan ni Valenzuela City Police-Warrant and Subpoena Section chief P/Lt. Robin Santos ang suspek na si Leonardo Cariga, 43, ng Tuao, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 11 ng Tuao, Cagayan sa Brgy. Parada. Valenzuela City alas-10:20 ng umaga.

Nakatala ito bilang number 10 most wanted sa Cagayan Provincial Police Office dahil sa pagpatay sa saksak sa kanyang kalugar noong Hunyo 3, 2018.

SM food to go Banner Ad

Tumakas ito at nagtago sa Valenzuela City gamit ang pangalang Angel Cariga.

Sinabi ni Santos na naging maangas pa umano at niyayabang ni Cariga na nakapatay siya sa Cagayan sa tuwing malalasing hanggang isumbong siya sa pulisya ng isang impormante. Nakipag-ugnayan ang WSS sa Cagayan Police na nagresulta sa pagdakip sa suspek. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.