Abante Tonite Interactive

Hambog na opisyal laging isinusuka sa trabaho

By
813

Sino daw itong opis­yal ng gobyerno ang hindi magkaroon ng permanenteng posisyon dahil sa lagi na lang itong inililipat ng trabaho?

Ayon sa nasagap na impormasyon ng Tonite, may pagka­hambog daw kasi itong opisyal kaya’t laging bad shot sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho at mismong boss.

Sa unang pinasukang trabaho sa gobyerno, agad na gumawa ng eskandalo kaya’t pinalayas sa trabaho.

Napadpad naman ito sa isang ahensiya ng gobyerno, pero hindi pa nag-iinit sa kanyang upuan ay ki­nalaban agad ang kanyang boss kaya pinagbalot din ito ng gamit at pi­nalipat sa isang ahensiya sa Quezon City.

Hindi lang ang kanyang boss ang nakakalaban daw ng hambog na opis­yal kundi pati na ang isang bigatin mismo sa Malacañang.

Akalain niyo bang pagalitan ng opisyal ang bigatin ng Pa­lasyo, na mas mataas ang ranggo, dahil sa pag-aakalang tinatrabaho ang mokong.

Ang hindi alam ng hambog na opisyal, inutusan mismo ng Pangulo ang cabinet secretary, aba’y parang tinalo na rin ng opisyal ang direct order ng chief executive.

Clue: Ang hambog na opisyal na laging isinusuka sa trabaho ay may letrang L sa kanyang pangalan as in Livin’ La Vida Loca.