Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hamilton may Covid-19

0 156

Nagpositibo si Formula 1 world champion Lewis Hamilton ng Britain sa Covid-19 kaya hindi makakakarera sa Sakhir Grand Prix sa Bahrain sa linggong ito.

“Base sa patakaran ng Covid-19 at awtoridad sa pampublikong kalusugan sa bansa, naka-isolate na ang Formula 1 driver,” pahayag Martes ng International Automobile Federation o FIA.

Kapapanalo lang nitong Linggo ni Hamilton sa Bahrain Grand Prix para sa record-equaling seventh world title ngayong taon. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.