Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hamon kay Lorenzana: Militar ilagay sa WPS, hindi sa campus

0 139

Pinagsabihan ng samahan ng mga mangingisda si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mag-deploy ng mga sundalo sa West Philippine Sea (WPS) at hindi sa University of the Philippines (UP).

Anang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa WPS naroroon ang mga armadong Chinese militias na nangha-harass at nagbabanta sa kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda at pambansang soberanya.

“Mr. Lorenzana should instead deploy his troops in the contested and militarized West Philippine Sea, wherein armed Chinese militias have been harassing and threatening the livelihood of Filipino fisherfolk, and moreover, our national sovereignty,” anang Pamalakaya.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagsusporta ang Malacañang sa naging aksiyon ni Lorenzana na tapusin na ang 30 taong kasunduan sa UP na nagbabawal sa mga militar at pulis na makapasok sa mga campus nito.

Hindi aniya ito kakatwa o kakaiba dahil lahat ng mga unibersidad at kolehiyo sa ibang mga bansa ay sakop din ng mga pulis, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque

Pinawi ng kalihim ang agam-agam ng mga mag-aaral at mga manggagawa ng UP sa posibilidad na maapektuhan ang academic freedom ng mga estudyante sa sandaling malaya nang makalabas-masok ang mga pulis at sundalo sa loob ng unibersidad.

Naniniwala si Roque na hindi papayagan ng mga taga-UP na mabalewala at malabag ang kanilang karapatan sa kalayaang pang-akademiya.

“Napakatagal ko diyan sa UP, 15 taon, hindi po nila papayagang mabalewala at malabag ang kanilang karapatan sa academic freedom ” dagdag ni Roque.

Ipapaubaya ng Palasyo kay UP President Danilo Concepcion na ilahad at ilabas ang saloobin ng mga alumni sa naging hakbang ng DND. (Aileen Taliping/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.