Abante Tonite Interactive

Hamon sa Tokyo ang gastusin sa Olympics

400

Nagbabala si Tokyo 2020 Olympics president Yoshirō Mori sa International Federations (IFs) sa desisyon kung sino ang aako sa dagdag na gastusin na magaganap mula sa pagkaka-postpone ng 32nd Summer Olympic Games 2020 na kinakaharap ngayong malaking hamon para sa host country.

Sa sulat ng Japanese sports official sa 33 pederasyon para sa Tokyo 2020 program, tinukoy ni Mori ang malaking epekto sa gastusin sa pag-urong sa Olympics sa tag-init ng 2020 mula sa parating na Hulyo 24-Agosto 9.

“The extra cost that will arise from this postponement is inevitable,” sabi ni Mori. “Deciding who will bear these costs and how it will be done will be a major challenge.”

Nanawagan si Mori sa nakakaalam sa proseso na ma-rearrange ang Games “to carry out our mission to deliver the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 next year, demonstrating that human beings have triumphed over the coronavirus”.

Habang nabanggit ang mga krusyal na parte sa sulat, kabilang ang dating Japanese Prime Minister na idinetalye ang proseso na nagtulak sa desisyon na ipagpaliban ang Games noong Marso 24, direktang tinukoy ni Mori ang magiging problema sa pinansiyal na aspeto para sa mga federation.

Ilan sa kinakaharap na hamon ng Olympics sa paghahanap ng sasalo sa gastusin, na sinabing malakihan ni Tokyo 2020 chief executive Toshirō Mutō bukod pa sa libong problema ng taskforce para asikasuhin ang lahat ng mga naglutangan na isyu dahil sa pag-urong sa quadrennial sportsfest.

Nakatakdang konsultahin ang mga federation ng grupo at nakatuon sa magiging desisyon sa hinaharap. (LO)

Tonite – Wendys Inhouse Ad