Abante Tonite Interactive

Hamong drug test kay Duterte tinabla

By
0 212

Ibinasura lamang ng Malacañang ang ha­mon ni senador Antonio Trillanes IV kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na magpa-drug test ito matapos ang marijuana joke ng Presidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat si Trillanes ang magpa-drug test sa halip na maghanap ng damay.

Hindi aniya siya papatulan ni Pangulong Duterte kahit ano pa ang gawin ng senador.

Nagtataka ang kalihim kung bakit pinapa­tulan pa aniya ng media si Trillanes gayong wala naman itong napatunayan sa lahat ng mga akusasyon nito sa Pangulo at sa pamil­ya nito.

“I think he should be the one to go that. Di niya papatulan yan. Nagtataka nga ako bakit pinapatulan nyo siya. Di kailangan. Look at this President, ma­lakas.

Sinasabi naman niya sa atin kung anong diperensiya niya,” ani Panelo.