Abante Tonite Interactive

Han Hyo Joo, Gang Dong Won itinanggi ang relasyon

By
3,804

Inaabangan na ng mga fan sa South Korea ang magiging red carpet event ng Korean movie na “Illang: The Wolf Brigade” sa isang Linggo. Ine-expect na kasi na parehong darating ang mga bida ng pelikula na sina Han Hyo Joo (31) at Gang Dong Won (37) sa kabila ng ‘da­­tin­g’ issue ngayon sa kanila.

Sa Times Square Mall sa Yeongdeungpo-gu sa July 18 gaganapin ang promotional event ng movie. At inaasaahan na tatanungin ng Korean press ang dalawa sa totoong relasyong meron sila.

Ilang araw lang ang nakalilipas, may lumabas na larawan kunsaan, spotted sina Gang Dong Won at Han Hyo Joo sa America. Magkasama raw ang dalawa habang ang South Korean actor na si Dong Won ang may hawak ng grocery bag nila. Biglang nag-surface online ang picture nilang ito.

Abante Hiring – IT dep

Pareho namang itinanggi ng mga agency ng dalawa ang balita. Ang YG Entertainment ni Dong Won at ang BH Entertainment ni Hyo Joo. Sinasabing si Dong Won daw ay nasa U.S. dahil nagpi-prepare ito para sa shooting ng sisimulang pelikula, ang Hollywood movie na ‘Tsunami LA’ at si Hyo Joo naman daw, may meeting sa ilang movie industry official. Pero hindi itinanggi na talagang nagkaroon ng pagkakataon na magkita sa America at mag-dinner kasama ang ilang kaibigan.

Pero, mukhang hindi ‘benta’ sa mga tagahanga nila ang si­nabing dahilan ng magkaibang agency ng dalawang Korean star.

Kung pagbabasehan ang mga nabasa naming komento ng mga netizen, may iba’t iba silang reaksiyon. Isa na rito ang naging isyu kay Dong-won na diumano’y descendant siya ng isang pro-Japanese collaborator na naging malaking isyu talaga last year. May mga against sa relasyon nila. Mahirap din daw na madamay ang actor sa family issue ni Hyo Joo na naging issue noon.

Pero sa kabila nito, marami rin naman ang natutuwa kung sakaling may relasyon nga ang dalawa. Twice na silang na nagkasama sa pelikula. Ang ‘Golden Slumber’ at ang ‘Illang’ na magkasunod nilang ginawa.

May mga nag-iisip na nga na baka parang SongSong couple lang daw ang mga ito. Ang SongSong ay sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo. Pagkatapos gawin ang ‘Descendants of the Sun’, nabalita na nagde-date, pero itinanggi at nang umamin ay ikakasal na agad.

Abangan na lang natin.