Abante Tonite Interactive

Han Hyo Joo itinanggi si Kang Dong Won

3,171

tonite-annyeong-rose-garciaFinally, nagsalita na ang South Korean actress na si Han Hyo Joo sa pagkakali-link sa kanila ng South Korean actor na si Kang Dong Won.

Magkasama sa pelikulang ‘Illang: The Wolf Brigade’ ang dalawa.

Nagsimula ang isyu na ‘dating’ o may relasyon sina Hyo Joo at Dong Won nang lumabas ang larawan nila habang parehong nasa America. Nakita silang magkasama na kumakain na may kasama rin namang iba pang mga kaibigan.

Sa naging interview nila para sa promotion ng movie, tahasang itinanggi ng aktres ang isyu.

Ayon kay Hyo Joo (na nakilala sa mga drama niya tulad ng DongYi, Shinin­g Inheritance at W) “But everything that came out is all there is. We ate together because our sche­dules worked out while we were in the United States. I’m actually more worried about this becoming too big and hindering the movie into a different direction. Besides that there’s not much else.”

Sey pa ni Hyo Joo na lumabas sa soompi.com, “When I talk to the people around me about this, I say ‘We just ate.
It was delicious.’ I say ‘There’s so much chatterin­g going on. I’m sorry.’ Truthfully, I apologized about the chattering g­oing on because of a different, unnecessary issue. Honestly, since it’s not talk about the movie that is g­aining attention but rather a perso­nal matter, it’s very burdensome and I’m sorry.”

Kung silang dalawa raw ni Dong Won, hindi raw nila halos napag-uusapan ang naturang isyu. Pero nagwo-worry lang daw talaga siya na baka ito ang mapag-usapan at hindi ma­sentro sa ginawa nilang movie.

Sabi pa ni Hyo Joo, “It kind of feels like something like this could happen.”

Tinanong din ang aktres kung paano naman niya ilalarawan ang closeness o friendship na meron sila ng co-star.

Aniya, “Kang Dong Won is an actor I can learn a lot from. There were a lot of times when I was exhauste­d and having a tough time as my character, but I relied on him a lot. He’s not the type to affectionately help in a direct manner. Instead, he’s the silent and brusque type you can rely on.”

Pareho rin daw silang dalawa na mahilig kumain.

“I enjoy eating delicious food and relieve stress by eating yummy food. Kang Dong Won is also like this, so we share info about popular restaurants. We’re close and we compete against each o­ther with our list of popular restaurants.”

Sa isang banda, kung pagbabasehan naman ang mga komento ng mga netizen, tila marami sa mga ito ang hindi naniniwalang wala ngang romantic na namamagitan sa dalawa.

Ganu’n din daw kasi ang SongSong couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na pagkatapos itanggi na dating sila. May mga pagkakataong spotted na magkasama ang mga ito at eventually, marriage announcement na ang bumulaga sa lahat.