Abante Tonite Interactive

Han Jung Won ikinasal sa dating basketbolista

By
4,848

Kapag may Korean celebrities na ikinakasal, kaugalian na sa Korea ang maghatid ng good wishes talaga ang mga Koreans sa mga ikinasal. Ganito ang nangyayari ngayon sa South Korean actress na si Han Jung Won na ikinasal sa kanyang boyfriend of one year, ang ex-basketball player na si Kim Seung Hyun.

Ikinasal ang dalawa noong May 25 sa isang wedding hall sa Seoul. Masaya at excited na ibinahagi ni Jung-won ang ilan sa mga wedding pictures niya.

Kasabay ang caption na, “We’re getting married today. We’re a married couple starting today.”

Present ang pamilya, malalapit na kaibigan at mga kasamahan sa trabaho sa kasal nina Jung-won at Seung-hyun. Ilan sa mga celebrities na dumalo sa kasal ay sina Seo Jang Hoon, Lee Chun Soo, Kim Byung Ji, Mina at Ryu Philip.

Ang South Korean actor na si Lee Jung Jin na malapit na kaibigan ng groom ang siyang tuma­yong host ng kasal.

Sa mga hindi nakaka­kilala kay Han Jung Won, ilan sa mga television drama na ginawa niya ay ang ‘Crush and Blush,’ ‘Sky and Sea,’ ‘Marrying the Mafia 5,’ at ang ‘The 3rd Hospital’ and ‘Triangle.’

Sa ngayon, bukod sa pagiging isang aktres, model, siya rin ang tumatayong CEO ng isang online shopping mall.

Si Kim Seung Hyun ay nagsimulang maglaro noong 2001 bilang third-ranked player ng Go­yang Orions basketball team. Sa kanyang debut, tumanggap siya Rookie Award and MVP Award.

Naglaro rin siya sa professional leagues at Korean national team bago siya mag-retire noong 2014. At present, isa siyang sports commentator.