Abante Tonite Interactive

Hand injury, itinago ni James

By
1,683

Dumating si LeBron James sa final interview niya ngayong NBA Finals na may brace ang kanang kamay.
May injury pala siya, isang linggo ring itinago.

“Pretty much played the last three games with a broken hand,” pag-amin niya pagkatapos ng 108-85 loss ng kanyang Cleveland Cavaliers sa Golden State Warriors.

May 4 minutes pa sa Game 4 at naiiwan 102-77 ay inilabas na si James at isinuko na ng Cavs ang laban, kasama ang series. Binigay na nila ang pangatlong titulo sa Warriors sa nakalipas na apat na taon.

Abante Hiring – IT dep

May sinuntok daw si James pagkatapos ng Game 1 loss sa Finals. Dismayado siya dahil napakawalan ang opener ng series sa overtime. Dismayado sa nabaliktad na tawag na unang charge kay Kevin Durant pero nabaligtad at na­ging blocking na sa kanya, at sa miscues – ni JR Smith – bago natapos ang regulation.

Itinago ang injury, kayod pa rin si James sa sumunod na tatlong laro.

At sa Game 4, naka-23 points lang siya na pinakamababa niya sa series matapos umiskor ng 51 sa Game 1.

Lumamang sandali sa first half ang Cavs, pero burado agad pagkatapos ng halftime. Pinalitan na ni Cedi Osman si James 4:03 pa sa laro, bago naupo sa bench ay nakipag-fist bump na kina Durant, Andre Iguodala at Draymond Green.
Pagtunog ng final buzzer, tahimik na siyang lumabas ng court.