Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Handa ang mga beterano ni Garcia vs San Miguel

0 101

Mga laro ngayon (AUF gym)

4 pm – Rain or Shine vs. San Miguel

6:45 pm – Terrafirma vs. TNT

Babalatan ng Rain or Shine ang kampanya sa PBA Philippine Cup restart laban sa five-time defending champion San Miguel Beer sa first game mamaya sa AUF gym sa Angeles, Pampanga.

Beermen ang unang nakasungkit ng panalo sa torneo, 94-78 kontra Magnolia sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw, kinansela ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.

“We’ve been working hard since Day 1,” ani Elasto Painters coach Caloy Garcia.

Bukod sa pitong buwan na natigil ang mga laro, nasa bubble pa ang restart. Sila-sila lang sa venue, halos every-other-day ang laro.

“Continuously we have to adjust,” dagdag ni Garcia. “Mga beterano naman namin, ready. I feel like just after a few days, makakapag-adjust. Pinaka-importante rito, iwas sa injury.”

Balik sa Painters sina veterans James Yap, Gabe Norwood, Beau Belga, Rey Nambatac, Javee Mocon. May bagong rookie silang brusko, si center/forward Prince Rivero.

Walang June Mar Fajardo ang SMB, pero tiwala si coach Leo Austria na makakapag-step up sina Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Von Pessumal, Mo Tautuaa, Russell Escoto at rookie center Daniel De Guzman. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.