Abante Tonite Interactive

Handa ba tayo sa coronavirus?

382

Dear Abante Tonite,

Ngayong kabi-kabila ang nagkakasakit, at mayroon pa ngang bagong nabubuong virus na pwedeng magdala ng sakit at pwede ring ikamatay ng mga dadapuan, ang tanong, gaano tayo kahanda para rito?

Alam naman nating lahat na likas namang malinis sa katawan ang mga Pinoy, pero kasi minsan may ilan pa rin na balahura.

Mayroong dura nang dura kahit saan, umiihi kung saan aabutan o nagtatampisaw pa sa mga bawal na ngang liguan tulad ng Manila Bay at Ilog Pasig.

Sapat kaya ang alam ng madlang pipol sa mga dapat na gawin para makaiwas sa sakit-sakit na ito? O iaasa na ­naman kay batman at i-wish na ‘di dapuan ng karamdaman?

Kung kailan ba malaki na ang sunog tsaka lang papataying ang apoy? O kung kailan andyan na ang problema ay saka lang gagawa ng hakbang ng paraan para iwasan ito.

Tulad ng nangyayari ngayon sa Batangas na kung kailan may sakuna tsaka lang nagpaplanong magpagawa ng evacuation center?

Gising-gising sana, now pa lang gumawa na ng hakbang bago magkaroon ng problema.

Ammie ng Taguig City