Abante Tonite Interactive

Handang magpabuntis

490

Magandang araw po sa ­lahat ng inyong mambabasa.

Yaman din lamang at ­napag-uusapan ang kapitbahay ay gusto ko na ring i-share ang cute-cutetan kong kapitbahay.

Tubong-Bicol po ako at ­na­ngungupahan lang dito sa Pasay sa isang maliit na kuwarto. Isa po akong saleslady sa Baclaran

‘Yung kapit-kuwarto ko nama’y mag-isa rin lang na nangungupahan. Isa siyang security guard sa Malate pero taga-Pampanga talaga siya. Isang beses lang siya umuuwi sa Pampanga sa loob ng isang linggo depende kung ano’ng araw ang kanyang day-off.

Sa edad kong 40 ay ­dalaga pa ako. Nakakahiya mang aminin ay wala pa akong ­ka-expi-experience sa lalaki. ‘No boyfriend since birth’ ‘ika nga nila o NBSB.

Unang kita ko pa lang kay Ramon (pangalan ng kapit-kuwarto kong SG) ay attracted na ako sa kanya.

Mabait din naman siya sa akin, palangiti at palabiro pa kaya unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Mestiso pa siya, may pagka-barako at parang masarap magpahalik, magpayakap at magpabuntis sa kanya.

Aaminin kong may ­gusto ako sa kanya. Hindi ko alam kung may gusto siya sa akin pero kung liligawan niya lang ako’y hindi na ako ­magpapatumpik-tumpik pa.

Sasagutin ko agad siya at kung romantiko talaga siya’y hindi na ako magpapa-hard to get pa. Handa akong ­ibigay ang buo kong katawan sa ­kanya dahil gusto ko na ring ­magkaanak.
– Brenda ng Pasay