Abante Tonite Interactive

Handler kapamilya ang turing sa manok

300

Kailangan na ang tagapag-alaga o tagapatuka o handler ay mahaba ang pasensya at masipag kapag tag-ulan.

Sa ganitong buwan masusubukan kung gaano niia kamahal ang kanilang mga alaga.

Nakasalalay sa kanila ang kalusugan at lakas ng katawan ng mga panabong lalo na’t kung ang panahon ay pabago-bago, iinit tapos ay bubuhos ang ulan, masama ito dahil ma-expose sila sa lahat ng uri ng sakit.

Ayon kay Benito Valdez, isang tagapakain sa isang farm sa La Union, kahit anong lakas ng ulan ay kailangan niyang bisitahin ang lagay ng mga manok na kanyang nasasakupan para masiguro ang kanilang kaligtasan.

“Kahit kumikidlat sinisiguro ko na maayos ang kanilang puwesto minsan kasi may nabibitin lalo na kapag malakas ang hangin, ‘yan kasi ang buhay ko eh, dahil sa kanila ay napag-aaral ko mga anak ko kaya dapat alagaan silang mabuti,” kuwento ni Valdez.

Isa sa mga trabaho ng handler ay kailangan palakasin ang resistensya ng kanilang mga alaga upang ‘di basta kapitan ng sakit.

“Matyaga at mahaba ang pasensya, huwag maging tamad kasi may ginhawa kapag maayos mo silang alagaan, siyempre mapapasaya mo ang boss mo,” panapos ni Valdez.

Kapag may nadidisgrasya sa mga manok sa farm, isa ang handler sa mga nalulungkot lalo na kapag natalo sa derby, kaya tinotodo nila ang lahat para makundisyong maganda ang kanilang panabong at lamang lagi sa panalo. (Elech Dawa)