Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hanggang kailan ka, COVID?

0 188

Isa sa pinakamatinding salot na tumama sa daigdig ang tinatawag na Black Death o bubonic plague. Unang tumama ito sa Europa noong 1347 at makaraan ang 5 taon, 25 hanggang 50 milyon katao ang namatay sa buong mundo.

Isang taon makalipas na tumama sa mundo ang Covid 19, nasa 3,124,581 na ang nasasawi batay sa pinakahuling tala sa worldometers.info. Malayo pa naman sa nangyari sa Black Death pero di hamak namang mas advanced na ang siyensya ngayon. Yun nga lang, hanggang sa ngayon ay tila nag-eeksperimento pa rin ang mga manggagamot at siyentista sa ipanggagamot sa may Covid lalo na sa malubha ang kalagayan.

Marami ang nalulungkot na dahil hindi pa rin matiyak kung kailan magnonormal ang buhay. Ang mga nagtangkang magbukas ng kanilang ekonomiya at mag-aktong normal ay bumabalik lang ulit sa pagla-lockdown kapag tumataas na naman ang kaso.

Sa India nga lang, lumobo na naman ang bilang ng Covid at patong-patong ang mga labing dinadala sa crematorium dahil sa bagong variant na mayroong double mutation. May bakuna pero hindi malaman kung magiging epektibo ito sa nagsusulputang bagong variant ng virus.

SM food to go Banner Ad

Nagkaroon ng maliliit na clinical trials sa buong mundo kaugnay ng isang gamot na kontra bulate dahil sa nakitaan ito ng pag-asang makagamot sa Covid. Isa-isang naglabasan ang mga doktor na sumusuporta rito, kabilang si Dr. Pierre Kory, isang critical care physician na nagtatag ng Front Line Covid-19 Critical Care Alliance o FLCCC. Ito ay isang grupo ng doktor at siyentista sa buong mundo na naniniwalang sapat na ang mga pag-aaral sa buong mundo na nagsasabing ang ivermectin ay isang miracle drug makaraang makapagpagaling ng ilang tao sa kanilang trials, kabilang na ang trial sa laboratoryo sa Australia na napuksa ang Covid na binabaran ng ivermectin sa isang laboratoryo. Ayon kay Dr. Kory, mahirap nang maghintay pa ng mas malalaking clinical trial bago otorisahan ang paggamit nito laban sa Covid dahil marami na ang namamatay.

Ngayon, may balitang pag-aaralan na ito ng National Institutes of Health ng Amerika. Plano diumano nito na magsagawa ng randomized clinical trial para pag-aralan ang mga dati nang naaprubahang gamot para sa ibang sakit na magamit para naman sa Covid. Batay sa report ng Washington Post, kinokonsidera raw ang ivermectin na isama sa trial, bukod sa fluvoxamine na isang anti-depressant at famotidine na panggamot sa peptic ulcer.

Ang sabi naman ng iba, baka matulad lang ito sa hydroxychloroquine at remdesivir na pinagbanderahang makakagamot sa Covid pero kalaunan ay iniatras din ng World Health Organization ang rekomendasyon para rito.

Sa isinapubliko ng Solidarity Trial noong Oktubre 15, 2020, natagpuan nilang ang apat na treatment na pinag-aralan – ang remdesivir, hydroxychloroquine, lopinavir/ritonavir at interferon – ay maliit lamang o talagang walang epekto sa mga may Covid. Hindi rin daw napigilan ng mga ito na humaba ang pagkaka-ospital, lumubha ang pasyente o mamatay.

Ang ating magagawa ngayon – kapit lang, laban lang ng laban. Ang ating sariling immune system o resistensiya, pagkain ng tama, pag-iingat at pasunod sa health protocols ang ating tanging panangga. Hindi natin alam kung hanggang kailan at saan aabot ang laban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.