Abante Tonite Interactive

Hangin kapag umuubo mas matulin sa speed of sound

6

Alam n’yo bang ang hangin na dumadaan sa wind pipe ng ating lalamunan kapag umuubo ay ‘di hamak na mas matulin sa speed of sound.

***

Ang bakteryang E. Coli na matatagpuan sa ating bituka ay tumutulong upang matunaw ang mga gulay at beans na ating kinakain. Gumagawa rin ito ng Vitamin K para mamuo ang dugo na malaking tulong para maampat ang pagdaloy nito sa tuwing tayo’y nasusugatan.

***

Kinakailangang mas maraming muscles ang magtrabaho sa mukha para sumimangot, konti naman para sa masayang mukha.

***

Ang mga alikabok na naiipon sa loob ng ating bahay ay hindi lamang duming galing sa labas, binubuo rin ito ng mil­yong dead skin cells na galing sa ating katawan.

***

Related Posts

Pitong segundo ang kailangan para makara­ting ang pagkaing isinubo mula sa bibig papuntang tiyan.

***

Ang dugong dumadaloy sa ating katawan ay sobrang haba ang nila­lakbay. Kung iinatin ang mga dugong ito ay aabot ng 60,000 miles ang haba, sapat na para libutin ang buong mundo ng dalawang ulit.

Ang red blood cells sa ating katawan ay napapalitan tuwing ika-pitong araw.

***

Ang pinakamalakas na buto ng ating katawan ay matatagpuan sa hita.

***

Kadalasang ang ating panaginip ay tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong segundo.