Abante Tonite Interactive

Hangover Remedies

By
497

Nasubukan n’yo na bang uminom ng alak at madale ng hangover?

Minsan ay ‘di natin maiwasang mapasabak sa inuman lalo na kung nahatak tayo sa gimik – birthday (debut), graduation o simpleng ‘Tara G’.

Para sa mga estudyante, millennial at kagaya kong nanganganay pa lang sa pag-inom at hindi sanay masayaran ng alak ang sikmura ay maaaring sundin ang ilang paraang ito para maginhawaan mula sa mga sintomas na hatid ng hangover.

* Drink lots of water. Nakaka-dehydrate ang alak kaya upang mapanumbalik ang nawalang tubig sa katawan ay uminom lang ng maraming tubig.

* Eat bananas. Malakas makabawas ng potassium sa katawan ang sobrang pag-inom ng alak. Ayon sa mga eksperto, kung kakain ng ilang pirasong saging ay mas mapapadali ang paggaling ng sakit ng ulo’t katawan.

* Paracetamol. Nakakatulong ang pag-inom ng paracetamol upang mapahupa ang pananakit ng ulo at katawan nang hindi nakakapangasim ng sikmura.
* Rest. Kailangang magpahinga at ‘wag sundin ang kasabihang muling uminom ng alak para mahugasan ang tiyan.