Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hannah dyosa ni Xerex

0 174

NI: ROLDAN CASTRO

Takaw-pansin ang bagong Xerex’s Sex Goddess na si Hannah Encabo. Pinagpipistahan siya ngayon sa pagbuhay ng mga kuwento ni Xerex Xaviera sa xerex.ph.

Kilala ba niya si Xerex na sumikat noong late 80’s at isinapelikula ni Assunta de Rossi?

“Nakilala ko siya dahil sa laman ng kanyang mga kwento na napag-uusapan ng mga kalalakihan noon,” pakli ni Hannah.

Ano ang feeling na kinikilala siya ngayon na Xerex’s Sex Goddess?

“ Flattered na isa ko sa mga napili. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ito. It’s really a great opportunity to be part of Xerex,” pakli niya.

Ano ang natutunan niya sa pagbabasa ng sexperience sa Xerex?

“ Well, while reading the stories I realize that there’s no perfect relationship. Nandiyan ‘yung may malayo ‘yung asawa, meron naman na- attract sa iba. We all have different kind of sex problems,” saad ng dalaga.

Magbibida siya sa pelikulang ‘Taong Grasa” ni direk Neal Tan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.