Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hannah palaban kay Rabiya

0 223

RODEL FERNANDO: Puro pintas ang inabot ni Catriona sa katatapos lang na Binibining Pilipinas. Bukod nga sa pagkakamali niya sa Venezuela na dapat Valenzuela ay hindi rin siya nakaligtas sa mga sinuot niyang gown.

Sa totoo lang hindi kagandahan ang mga ito at pati itsura niya. Malayung-malayo sa dati nitong aura na pang-Miss Universe talaga. Marami tuloy nagtatanong bakit nagpabaya siya eh yun ang unang rampa niya as host sa Binibini pageant?

Anyway, ligwak din sa mga gown niya ang co-host niyang si Nicole Cordoves pero nag-shine siya sa kanyang pagho-host. Very energetic at lively na alam mong pinaghandaan niya ang kanyang trabaho. Napakahusay pa niyang magtagalog na di tulad ni Catriona na sablay.

Anyway, deserving naman ang grand winner na si Hannah Arnold ng Masbate. Nasungkit niya ang titulo bilang Binibining Pilipinas International 2021.

Sayang nga lang at ang aking kababayan mula sa Pampanga na si Francesca Taruc ay hindi nakakuha ng title. Umabot lamang siya hanggang Top 13 kasama na ang paghakot niya ng special awards. Ang iba pang winners ay sina Binibining Pilipinas Grand International 2021, Samantha Alexandra Panlilio, Cavite;Binibining Pilipinas Intercontinental 2021, Cinderella Faye Obeñita, Cagayan de Oro, Misamis Oriental; Binibining Pilipinas Globe 2021: Maureen Ann Montagne, Batangas;1st runner-up: Gabrielle Camille Basiano, Borongan, Eastern Samar at 2nd runner-up: Meiji Cruz, Valenzuela City.

Tingnan ang kanilang larawan sa swimwear competition na kuha ni Bruce Casanova .naka-post din ito sa Twittter account na @RealBbPilipinas.

CORDOVES HINAWI ANG BUHOK KAY PINKY WEBB TRENDING

MILDRED BACUD:Hindi naman ako mahilig manood ng beauty pageant mga ka-Cuatros pero nasusubaybayan ko ang social media. Naging trending din ang hair flip o paghawi sa buhok ng isa sa mga host na si Nicole Cordoves bago nito ipakilala ang CNN anchor na si Pinky Webb. Maraming mga netizen ang natuwa. Sadya ba ito o nagkataon lang? Kung natatandaan niyo kasi last January ay nag-hair flip si Pinky during his interview kay Presidential Secretary Harry Roque. Nabigyan ito ng iba’t ibang kahulugan ng mga netizen.

Ang ganda rin naman ni Pinky as Judge ha na parang beauty queen ang dating. Pinupuri ko rin si Nicole na napakahusay magsalita. Hindi siya nagpakabog kay Catriona Gray.

Pero matanong ko nga kayo mga ka-Cuatros ano ba ang ibig sabihin kapag hinawi ng isang babae ang kaniyang buhok? Sa akin kasi pwedeng nagpapa-cute kapag nakita ‘yung crush o nagtataray sa isang makakasalubong o makakausap.

ROMMELPLACENTE: Natawa rin ako nang mapanood ko ang hair flip ni Nicole kay Pinky.Feeling ko walang masamang pakahulugan si Cordoves dahil tatak ‘yun ni Webb.

Aliw rin ang nang tawagin ni Catriona si Meiji Cruz na kinatawan ng Venezuela. Para tuloy siyang nasa international beauty pageant. Hahaha!

Napansin ko rin na mataba ngayon si Catriona. Hindi na siya sexy gaya noon.

ROLDAN CASTRO: Tapos na ang pagkukumpara ngayon kina Catriona Gray at Pia Wurtzbach. Ang latest ay ang pambato ng Binibining Pilipinas na si Hannah Arnold na kinumpara sa Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Bagamat magkaiba ang kanilang title, kabugin daw kaya ni Hannah si Rabiya? Masungkit kaya ni Hannah ang Miss International? Mag-uuwi kaya siya ng korona sa ‘Pinas?

Mukhang palaban naman si Hannah. Sabi nila ito raw ang bagong Melanie Marquez (1979 Miss International) na matangkad at maganda.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.