Abante Tonite Interactive

Hannah tutukuran ang mga may tulo

545

Isang mahalimuyak na bulaklak kung isasalarawan si Hannah Nogara.

Siya ay 19-year-old mula sa Valenzuela City. Ang taas niya ay 5’7” at may sukat na 34-24-36.

Graduate siya ng Humanities and Social Sciences (HUMSS).

Si Hannah ay isang freelance model. Naging Binibining Karuhatan 2nd runner-up, Binibi­ning Malinta Ms. Cha­rity, Ms. Sexy Bods 1st runner-up, Sexy of the Nile at Ms. Turismo Filipina 2nd runner-up.

Sey niya, sumali siya sa Ms. Turismo Filipina para magbigay ng inspirasyon sa kababaihan na sumali sa mga pa­geant. Gusto rin niyang i-pre­sent ang City of Valenzuela.

Pinapalawak din niya ang kanyang advocacy na magbigay ng sapat na kaalaman sa sakit na HIV/AIDS. Kung paano ito maiiwasan at kung paano suportahahan ang mga nagkakasakit nito. (RFC)