Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hanoi maluwag sa galawan

0 42

Mas mabibigyan ng laya at karapatan ang bawat delegasyon ng 11 bansang sasabak sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23 na makapag-ikot at makagalaw kung saan nais magtungo, ‘di tulad sa paghihigpit na naranasan sa 2020+1 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ipinahayag ni Philippine Olympic Committee deputy secretary-general Valeriano Floro II sa Abante TONITE Sports Huwebes, na mas magiging luwag ang pagbabantay sa mga delegasyon, pero nananatiling wala pang pasabi kung papayagang papasukin ang mga manonood sa mga sports venue.

”Pwede ng umikot ang athletes at coaches. Not as strict naman as Olympics especially since a lot less cases now compared to then,” sey ni Floro, na siya ring secretary general ng National Golf Association of the Philippines. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.