Abante Tonite Interactive

Hapones, 2 kasabwat dinakma sa buy-bust

By
2,394

Isang Japanese national at dalawa nitong kasabwat ang naaresto sa buy-bust operation ng mga pulis sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya na ngayon ng Southern Police District (SPD) ang suspek na Hapones na nakilalang si Haruhisa Nakamura alyas ‘Haru’, 52-anyos, taga-Tokyo, Japan, ganundin ang dalawang kasabwat nito na sina Mervin Villanueva, 20-anyos, at isang 16-anyos na dalagita.

Ayon sa report kay SPD director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., dakong alas-singko ng hapon kamaka­lawa nang maaresto ang mga suspek sa buy-bust operation na isinagawa sa No. 106 10th Floor Virra 1 Condominium na matatagpuan sa P. Burgos St., Bel-Air, Brgy. Poblacion, Makati.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 1.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000 at P2,000 cash.