Abante Tonite Interactive

Hapones na utak sa murder timbog

By
0 129

Arestado ang isang Japanese national na matagal ng nagtatago sa batas dahil sa kasong pagpatay sa dalawang kababayan matapos masakote ng tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) kahapon sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Col. Tomas Ibay, hepe ng Regional Field Unit (RFU) ng CIDG-NCR ang nadakip na suspek na si Kenichiro Kobayashi, 61, dakong alas-6:30 nang umaga sa kahabaan ng France St., Bagbag, Novaliches.

Ayon kay Ibay, nadakip ang suspek matapos ang mahigit isang buwang surveillance operation ng pulisya at base na rin sa warrant of arrest dahil sa kaso nitong murder.

Base sa ulat ng CIDG-NCR, ang suspek ay mastermind sa likod ng Kirby Tan Gun For hire group na siyang responsable sa pagpatay sa dalawa niyang kababayan na sina Shinsuke Toba, na pinagbabaril hanggang mamatay noong Oktubre 18, 2014 at Tatsuya Nakamura, na binaril din at napatay noon namang Setyembre 1, 2015 parehong sa Las Piñas City.

Nasa CIDG-NCR ngayon ang suspek upang sumailalim sa dokumentasyon at tamang desposisyon.