Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harang sa backride aprub na – DILG

0 484

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na inaprubahan na ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang prototype barrier na ilalagay sa mga motorsiklo upang mapahintulutan nang magkaangkas ang mga mag-asawa, magka-live in at common law couple.

Nilinaw rin ng kalihim na sa ngayon aniya, mga mag-asawa, common law couple at magka-live in pa lamang ang pinapayagang magka-angkas sa motorsiklo.

Nabatid na inaprubahan ng NTF ang prototype design na isinumite ni Bohol Gov. Arthur Yap.

“Only couples are allowed. Puwede hulihin husband and wife kapag walang barrier. May grace period pa para makagawa sila ng barriers. The Joint Task Force COVID Shield will recommend the grace period,” anang kalihim. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.