Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harang sa backride i-test run – Recto

0 197

Kinuwestyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang paglalagay ng barrier sa pagitan ng angkas at nagmamaneho ng motorisiklo.

“Isn’t the protection offered them by the motorcycle barrier during the day cancelled by their intimacy at night?” ayon kay Recto.

Nangangamba ang senador na baka ang paglalagay ng barrier sa motorsiklo ay maging dahilan pa para makompromiso ang pagtakbo nito at ang kaligtasan ng driver at pasahero.

Payo ni Recto na bago payagan ang pagbiyahe ng mga motorsiklong may barrier ay magsagawa muna ng test run at workshop para mapag-aralan ng mga eksperto.

“Or can we just ask health experts if a couple who sleep together at night without masks can safely ride a motorcycle together with masks and helmets on?” sabi pa ng senador. (JC Cahinhinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.