Abante Tonite Interactive

Harang sa PUV modernization tinuluyan sa Ombudsman

316

Tinuluyan ng transport group sa Ombudsman ang dating alkalde at siyam na iba pa dahil sa umano’y pang­­haharas sa kanilang hanay.

Batay sa 12 pahinang reklamo noong Pebrero 14, 2020 ng Common Transport Service Cooperative na kinatawan ni Deltha Bernardo, general manager kasama ang board of directors at mga opis­yal nito na sina Antonio Managbanag, Jr., Antonio Namatay, William Cruz, Joeje Tubal, Maureen Dionson, Joel Namoro, Ma. Imelda Ferrer, John Pascua, McJohn Gravalos at Ramon Dionson, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 3 (e) at (f) ng Republic Act No. 3019 at grave misconduct, oppression at acts prejudicial to the best interest of the service sina da­ting Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez, Engr.

Alexander Alma­rio, Danny Santos, Virgilio Calag, Brgy. Chairman Karen Mae Hernandez, Brgy. Sec. Rose Marie Bayanado, Brgy. Exec. Officer Germogenes Didulo, Erlyn Abrigo, Jojo Brender, Rosanna Brender at ilan pang John Does.

Nakasaad sa reklamo na nag-ugat ang kaso sa umano’y panghaharas sa kanila ng mga akusado nang lumabas ang kanilang 15 unit ng modern jeep sa ilalim ng PUV Modernization Program ng DOTr. (Mina Aquino)