Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harapin ang bagong liderato

0 39

Tapos na ang eleksiyon pero sangkaterbang fake news pa rin ang kumakalat na lalong nagpapagulo ng ating bansa.

Masyadong nakakabahala ang nagkalat na fake news, mga panawagang nakakagimbal gamit ang social media account ng ilang kilalang politiko sa bansa.

Kung isang ordinaryong mamamayan lang ang makakabasa ng mga pinagkakaguluhang post sa social media ay talagang mapapaniwala ka.

Lalo na rin at wala namang panahong mag-double check ang Ilan nating kababayan kung lehitimo ba o hindi ang isang post.

Kaya ang ating panawagan sa netizens kung hindi sigurado sa isang nabasang post iwasan natin ang pagsi-share dahil mas malawak na pagkalito lamang ang dulot nito sa atin.

Magsimula na rin sana tayong tumanggap ng naging resulta ng halalan at bigyan ng pagkakataon ang mga nanalo na tuparin ang kanilang binitiwang pangako noong panahon ng kampanya.

May mga nanalo na bagamat hindi pa proklamado kaya move on na sana tayong lahat. Tanggapin ang resulta ng halalan at bawi-bawi na lang sa susunod na halalan baka sakaling makabawi.

***

Kaya naman sa mga nanalong politiko patunayang karapat-dapat kayo sa posisyong inyong nasungkit.

Pero in fairness sa ibang nanalo karapat-dapat naman talaga sila sa kanilang panalo.

Katulad na lamang ni Malabon Mayor -elect Jeannie Sandoval at Calamba mayor-elect Ross Rizal.

Historic ang kanilang panalo dahil mula sa angkan ng mga politiko ang kanilang tinalo.

Sa Malabon ay giniba ni Mayor Jeannie ang angkan ng mga Oreta matapos nitong talunin si Enzo Oreta, ampon ng mga Oreta.

Sa panig naman ni Mayor-elect Rizal ay tinalo nito si Joey Chipeco na mula rin sa angkan ng mga Chipeco sa Calamba. Si Joey ay sinasabing ampon din ng mga Chipeco.

Maliban kay Joey na tinalo ni Vice Mayor Rizal ay olats din si Cong. Timmy Chipeco na utol ni councilor Joey.

Hindi rin nabigo si Botolan Mayor Bing Maniquiz na tumakbong kongresista ng 2nd district ng Zambales.

Nasungkit nito ang puwesto at tinalo si dating Zambales Gov. Amor Deloso.

Maganda ang naging pamumuno sa Botolan ni Mayor Bing na naging dahilan ng pagpabor sa na kanya ng mayorya ng mga batang sakop ng ikalawang distrito ng Zambales.

Sa ganda ng performance ni Congresswoman-elect Maniquiz hindi malayong ito ang susunod sa yapak ni Gov Ebdane. Abangan na lamang natin ang mga susunod na kabanata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.