Abante Tonite Interactive

Hardaway, Burke nilunod ang Lakers

223

Sinamantala ng New York Knicks ang pagliban ni LeBron James para putulin ang eight-game losing skid sa bisa ng 119-112 panalo kontra Los Angeles Lakers Biyernes ng gabi.

Umiskor si Tim Hardaway, Jr. ng 22, umayuda si Trey Burke ng 16 para sa Knicks. Nagsumite pa si Emmanuel Mudiay ng 15 points at 7 rebounds.

Napakawalan ng New York ang naipundar na 17 puntos na kalamangan bago nag-rally mula six-point deficit sa fourth quarter. Nilista ni Enes Kanter ang walo sa kanyang 16 points sa stretch nang kumalas ang Knicks, tinapos ang unang panalo mula Dec. 14 sa 11-3 run.

Abante Hiring – IT dep

Laglag sa 1-4 ang Lakers sapul nang mawala si James dahil sa left groin strain. Wala din sa LA si second-leading scorer Kyle Kuzma na may bruised back.

Inagaw ng Knicks ang trangko sa free throws ni Kevin Knox 3:45 pa sa laro, at nagbaon ng dalawang key baskets sa final minute si Kanter.

Pitong players ng New York ang umiskor ng double figures kasama ang 10 points sa fourth quarter ni Mario Hezonja.
Nagsumite ng 21 points si Brandon Ingram sa Lakers, may 19 si Kentavious Caldwell-Pope.

Maagang nagliyab ang Knicks, umiskor ng 39 sa first quarter tungo sa 17-point lead sa kaagahan ng second sa likod ni Hardaway. Nanatili sa laro ang Lakers sa tatlong 3-pointers nina Caldwell-Pope at Lonzo Ball.