Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden binalya ni Embiid

0 203

SA ipinakitang laro ng Houston Rockets ay tila walang plano manalo ang koponan.

Ipinahinga ng Rockets ang kanilang mga starter kaya naman natambakan agad sila sa halftime at lumuhod sa Philadelphia 76ers, 96-134, kahapon sa restart ng 2019-2020 NBA season na ginanap sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Pero walang dapat ipangamba ang mga fan ng Houston dahil swak pa rin sila sa playoffs.

Namuno sa opensa ng Sixers si Tobias Harris na nagtala ng 18 points habang ang star player nilang si Joel Embiid ay kumana ng 14 puntos.

Nagkaroon pa ng kulay ang laban nang balyahin ni Joel Embiid sa second half si James Harden na halos ikatalsik nito.

Puwesto ang Philadelphia sa No.6 sa Eastern Conference tangan ang 43-30 record makakalaban nila sa playoffs ang No. 3 na Boston Celtics.

Kumayod si Harden ng 27 markers at 10 assists pero hindi sapat para ipanalo ang Rockets na lumanding sa No. 4 sa Western Conference. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.