Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden, Brooklyn dinagit Pelicans

0 203

BINIGTI ng Brooklyn Nets ang New Orleans Pelicans matapos mangalabaw si James Harden ng 39 points, 12 assists at limang rebounds kahapon sa 2021-2022 National Basketball Association (NBA) regular season game.

Maagang nag-init ang opensa ni 2018 Most Valuable Player (MVP) Harden kaya naman nakalamang sila sa unang dalawang period, 66-59, para makuha ang pang-pitong panalo sa huling walong laro ng Nets.

“He was aggresive all night. I mean he was getting downhill, getting to the free throw line, 11-for-18 (shooting). Highly-highly efficient,” komento ni two-time champion Kevin Durant.

Bumakas si Durant ng 28 puntos, walong assists at pitong rebounds para sa Nets na nasa pangalawang puwesto sa Eastern Conference tangan ang 9-4 record.

Hindi naman naging madali ang panalo ng Nets dahil pumalag ang Pelicans sa fourth quarter, subalit naging matatag ang Brooklyn at nanatili sa kanila ang bentahe hanggang sa dulo.

Tumulong si Joe Harris ng 24 points habang may walo at pitong puntos sina Blake Griffin at LaMarcus Aldridge.

Tumikada ng double-double na 20 markers at 12 rebounds si Jonas Valanciunas subalit hindi sapat upang akbayan ang Pelicans sa panalo.

Nalasap ng Pelicans ang pang-12 talo sa 13 laro, kasalukuyang nasa ilalim ng team standings sa Western Conference. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.