Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden cheerer ng Brooklyn

0 165

Kahit hindi nakakalaro sa NBA Eastern Conference semifinals, buong suporta naman para sa Brooklyn Nets niya si 2018 MVP James Harden.

Nagbalik ang right hamstring tightness injury ng 31-year-old, 6-foot-5 combo guard sa unang minuto pa lang ng Game 1 Sabado, garahe rin siya Game 2 Lunes (Martes, Manila time).

Pero hindi naman ito naging dahilan para sa Nets na may 2-0 na kontra Milwaukee Bucks pagkaran ng 125-86 sa likod ng 32 at 22 points nina Kevin Durant at Kyrie Irving.

Maiispatan naman sa nasabing laban si Harden na umaaktong cheerer ng Nets sa sidelines.

Hindi pa binanabanggit ng Nets ang timetable sa pagbabalik ng nine-time All-Star kaya malamang na wala pa rin siya Game 3 n sa Huwebes (Biyernes sa Maynila). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.