Abante Tonite Interactive

Harden, Davis ginamit sa ads: Australia nabanas sa USA

382

Lampas 2,500 Australyano ang iisa ang sigaw – ibalik ang bayad para sa Boomers vs Team USA tuneup match.

Sa change.org nagsimula ang petisyon para ma-refund ang mga binayad ng fan dahil tila naloko umano sila ng mga organizer dahil makikita sa poster ang mga mukha nina NBA stars James Harden, Anthony Davis, Damian Lillard at ilan pang kila­lang pangalan gayong ‘di naman ito kasamang mga naglaro.

Ito’y tapos umayaw ang mga nasabing star sa national team pool para magpokus sa susunod na NBA season.

“You have sold us an event that is no longer happening. You have priced the tickets as if these players were coming and now that they are not you should be offering refunds or at least some of our money back,” saad sa petisyon.

Ayon sa Australian Competition and Consumer Commission, kanilang iimbestigahan ang pangyayari kung labag ito sa batas ng kanilang bansa.
“Under the Australian Consumer Law, companies must not make false or misleading representations, including when advertising events,” ani spokesperson ng consumer watchdog.

“We understand that some advertising of the USA Basketball games occurring in Melbourne and Sydney included pictures of players who will not be attending those games.”

(RMP)