Abante Tonite Interactive

Harden dumeliber, Rockets pasabog

0 197

Pinakain ng alikabok ng Houston Rockets ang Utah Jazz 122-90 sa Game 1 ng kanilang Western Conference first-round playoff series.

Nag-deliver ng 29 points, 10 assists at 8 rebounds si James Harden para sa Rockets, halos buong laro ay abante ng double-digits.

Dumikit sa lima ang Jazz sa kalagitnaan ng third quarter, pero muling tinapakan ng Rockets ang silinyador para lumayo.

Sa second round noong nakaraan, kinaldag ng Houston ang Utah sa limang laro.

Game 2 sa Huwebes (araw sa Manila) sa Houston pa rin.

Lamang ng 15 ang Houston sa fourth nang umiskor si Harden ng anim sa 9-2 run para pabukahin sa 108-86, 4 minutes na lang. Pagkatapos nun ay inubos na ng magkabila ang kani-kanilang bench.

Lahat ng starters ng Houston, umiskor ng 11 pataas. Nagsumite ng 17 si Eric Gordon, 16 si Clint Capela, 14 kay Chris Paul at 11 kay PJ Tucker.

Namuno sa Jazz ang 22 points at 12 rebounds ni Rudy Gobert. May 19 markers si Donovan Mitchell pero walang nilistang assist.

Nag-start sa Utah si Ricky Rubio na galing sa quadriceps injury at nagsumite ng 15 points.

Kampanteng nakaupo sa courtside si Hall of Famer at dating Rocket Hakeem Olajuwon, pinanood ang Houston na tumikada ng 15 3-pointers sa pangunguna ng apat ni Harden. (VE)