Abante Tonite Interactive

Harden ika-7 pinakabata na naka-20K puntos

269

Walang masyadong nasabi si James Harden­ matapos niyang sapawan ang 20,000 points nitong Sabado sa blowout win ng Houston Rockets sa Minnesota.

“It’s a great accomplishment obviously,” aniya. “I have a bigger picture and bigger goals but it’s pretty cool.”

Mas malaman pa ang sinabi ng matagal na niyang kaibigang si Russell Westbrook, naglaro din nang ilista ni Harden ang una niyang puntos sa NBA.

“To be able to do that on a very, very high level is something we don’t take for granted,” lahad ni Westbrook. “Growing up in LA and being able to see him progress over the years to me is just a blessing to see as his friend and I’m truly happy for him.”

Umiskor si Harden ng 22 sa loob lang ng three quarters para tulungan ang Rockets sa 139-109 win laban sa Timberwolves.

Halos buong larong lamang ng double-digits ang Houston, kumaripas lalo sa third para pabukahin ang laro.

May 12 rebounds at 8 assists pa si Harden, 30, pang-45 na player sa kasaysayan ng NBA na nakaipon ng 20,000 points at seventh-youngest. Pumasok siya sa laro na kulang na lang ng 10 points sa milestone, nakuha ito sa isang step-back 3 sa kalagitnaan ng second.

Simpleng “20,000” ang sinabi ng public address announcer. Sa sumunod na timeout, nagpakita ng video ng first points ni Harden sa NBA habang nasa Oklahoma City, free throw na nagbigay sa kanyang 10,000 points at replay ng pang-20K na 3.

Kinuha niya ang game ball nitong Sabado at binigay sa ina.
Umayuda ng 30 points at 10 assists si Westbrook.
Nanguna ang 16 points off the bench ni Josh Okogie sa Wolves. (VE)