Abante Tonite Interactive

Harden kinatay ang Bulls

191

‘Di nakumpleto ni James Harden ang una sana niyang triple-double ng season, pero napaka­in pa rin ng alikabok ng Houston Rockets ang Chicago Bulls 117-94 Sabado ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

May ilang minutong garbage time si Harden sa fourth quarter para makumpleto ang triple-double, pero ‘di niya mapaka­walan ang assist hanggang ilabas higit 3 minutes pa sa laro.

Tumapos ang league leading scorer ng 42 points, 10 rebounds at 9 assists. May 35 regular-season triple-doubles sa career si Harden.

Umayuda si Russell Westbrook ng 26 points sa pangatlong sunod na panalo ng Rockets.

Malamyang 4 for 32 lang mula sa labas ng arc ang Bulls, binitbit ng 13 points at 16 rebounds ni Wendell Carter Jr.

Dahil sa eight turnovers ng Houston sa first ay umabante ang Chicago 27-20 sa likod ng 8 points ni Lauri Markkanen.

Lamang pa ang Bulls 31-22 sa second bago humarurot ng 24-7 run ang Rockets tungo sa 46-38 lead. May siyam na puntos si Harden sa run.

Idinikit ng Bulls sa 50-49 sa halftime sa 3 ni Zach Lavine, pero muling nagkasa ng 30-9 run ang Rockets sa opening 9:41 ng third tungo sa 80-58 lead at ‘di na lumingon. (VE)