Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden kulang sa pukpok

0 73

HINDI nakaporma si James Harden sa elite defense ng Lakers sa Game 4 ng West semis nitong Huwebes.

O baka masama ang gising.

Ang resulta ay 110-100 loss ng Houston at 3-1 hole sa series.

Para makahirit pa ng Game 6, kailangang magpakita si Harden sa Game 5 ngayon.

Tignan: 2 of 11 si Harden sa field, halos lahat ng 21 points niya ay pinaghirapan sa free throw line.

Dalawang basket, isa lang ang pumasok sa anim na bato sa 3-point area.

Bokya ang The Beard sa fourth quarter. Zero din ang kanyang field goal attempt sa period. Nahiyang tumira o hindi makatira?

Sa pangunguna ni Russell Westbrook, nagawang ibaba ng Rockets ang deficit sa 105-100 sa final minute. Pero natagpuan ni LeBron James si Alex Caruso sa sulok para ibaon ang panelyong tres 108-100.

Sa postgame, tinanong si Harden kung bakit flat ang Rockets sa first three quarters.

“That’s a good question …” salo ni Harden, pero iniwan nang nakabitin ang sagot.

Bukod sa adjustments ni Mike D’Antoni, hahanap ang Rockets ng paraan para umiskor sa stretch nang hindi nakadepende kay Harden.

Tumapos si Westbrook ng team-high 25 points at may 19 si Eric Covington, pero nawala sa equation ang mga tulad nina PJ Tucker at Robert Covington.

Pinupulutan sa social media si Harden, nawawala raw ang birtud niya sa playoffs.

Kailangan niyang bumawi. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.