Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden kumpiyansa sa Game 3

0 67

Positibo pa rin si James Harden sa kabila ng 117-109 loss ng Houston Rockets sa Los Angeles Lakers sa Game 2 ng 74th NBA 2019-20 West second round.

Umahon mula 67-51 deficit sa halftime ang Rockets, nagpaulan ng siyam na 3s sa third quarter at inagaw pa ang lead 92-90 papasok ng fourth.

Naubusan lang sa dulo at itinabla ng LA ang series sa 1-1.

Basagan ulit ang magkatunggali sa Game 3 ngayon.

Tingin ni Harden, may laban sila sa West top seed.

Mula sa AT&T SportsNet SW:

“We matched their intensity. They came out aggressive and I think we still did a pretty good job when we’ve been down,” ani Harden sa postgame interview.

Napabayaan lang aniya ng Rockets kaya umalagwa ng 20-point run ang LA.

“And against any team, no matter what team it is in this league, it’s just tough to come back down 20-something points, but we did. We gave ourselves a chance so you take away that and it’s a pretty good game.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.