Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden maaga nagliyab

0 199

PASABOG pinagsamang 80 points, 20 rebounds at 16 assists sina James Harden at Russell Westbrook para gasolinahan ang Houston Rockets sa 153-149 overtime win laban sa Dallas Mavericks Biyernes ng gabi.

Maagang nagliyab si Harden, sa first quarter lang ay may 23 points na tungo sa 49.

Kritikal ang panalo sa standings dahil abante na ang Houston ng 2.5 games sa Dallas. Namumuro ang Mavs na makatapat ang Clippers sa first-round ng playoffs.

Sumuporta ng anim na 3-pointers si Danuel House para sa Rockets.

Naligtasan ng Houston ang Mavs na kumana ng 21 3-pointers at humugot ng at least 24 points mula sa apat na players sa pangunguna ng 39 points ni Kristaps Porzingsi na may 16 rebounds pa.

Tumapos si Luka Doncic ng triple-double na 28 points, 13 rebounds at 10 assists sa Mavs bago na-fouled out sa dulo ng OT.

Abante ng tatlo sa regulation ang Mavs, pasok ang unang free throw ni Harden, sablay ang pangalawa pero hinabol ni Robert Covington ang rebound para tapikin pabalik sa rim ang bola 3.3 seconds na lang. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.