Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden may pasalubong kay Griffin

0 532

Pinasalubungan nina Kyrie Irving at James Harden ng ‘W’ si Blake Griffin sa kanyang debut sa Brooklyn sa tono ng 113-106 panalo laban kay Russell Westbrook at Washington sa 75 NBA regular season game sa sa Barclays Center sa New York Linggo ng gabi.

Nagkamada si Irving ng 28 points, 7 rebounds at 6 assists, nagsumite si Harden ng 26-5-8. Nagdagdag ng 16 markers si Nic Claxton kabilang ang dalawang and-1 plays sa stretch na nagakyat sa Nets sa 29-14 slate at sa kalaban sa 15-26.

Tinatantiya pa ni coach Steve Nash si Griffin, naka-15 minutes lang off the bench, may tig-2 points at rebounds. Ang puntos niya ay mula pa sa dakdak – una ng high-flying forward sapul noong 2019

Nawalan ng saysay ang triple-double ni Westbrook na 29 points at tig-13 rebounds at assists. Double-double ding 20 points at 10 boards ang ambag ng pinag-start na si Rui Hachimura, at 17 points kay Bradley Beal.

Napuwersa sa 19 turnovers ang Wizards mula sa 11 steals ng Nets. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.