Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden nasa radar ang Miami, Brooklyn, Philly

0 123

Sa walong taon ni James Harden sa Houston, hindi nakabiyahe sa NBA Finals ang Rockets.

Nakakarating hanggang Western Conference finals pero nabibigo rin. Kahit nang dumating si Russell Westbrook nitong nagdaang season, nganga pa rin.

Bumitaw na si coach Mike D’Antoni pagkatapos ng 2019-20.

Paano na si Harden? Tapon na ba siya kung magre-rebuild ang Rockets?

Kung sakali, may tatlong destinasyon na raw si Harden.

Mula sa Five Reasons Sports Network:

“Sources tell me that Houston Rockets guard James Harden has quietly communicated with people close to him that if the Rockets decide to blow it up, he already has a few teams in mind. The Miami Heat, Brooklyn Nets & Philadelphia 76ers among those teams.”

Harden, Jimmy Butler at Bam Adebayo sa Heat? Harden, Kevin Durant, Kyrie Irving sa Nets? Harden, Joel Embiid, Ben Simmons sa 76ers?

Kung titignan, saanman sa tatlong nabanggit mapunta si Harden ay siguradong blockbuster.

Ambisyoso? Tsismis pa lang naman, abangan natin. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.