Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden, Nets gulanit vs OKC

0 46

Ipinahinga ng Nets si Kevin Durant, hindi pa rin makapaglaro sa New York City si Kyrie Irving.

Tumukod ang Brooklyn sa ini-host na Oklahoma City Thunder 130-109 sa 2021-22 National Basketball Association regular season game Huwebes ng gabi sa Barclays Center.

Pinaglaruan ni Shai Gilgeous-Alexander ang triple-double sa kinamadang 33 points, 10 rebounds at 9 assists, umayuda ng 27 points si Luguentz Dort para sa OKC (14-27) na humugot pa ng 19 markers kay rookie guard Josh Giddey.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parehong season-highs ang 20 3-pointers at 32 assists ng Thunder.

Hindi kinayang isalba ng 26 points, 7 rebounds at 9 assists ni James Harden ang Brooklyn (26-15) na dumausdos sa third spot sa Eastern Conference sa likod ng Chicago (27-12) at Miami (26-15).

Pinagpahinga si Durant matapos ang tambakang 138-112 panalo ng Nets sa Bulls. Hindi pa makalaro sa New York City si Irving dahil ayaw pabakuna.

“Tired,” komento ni Harden, mukhang kailangan na rin ng pahinga matapos ang pang-apat na laro sa limang araw. “Exhausted.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.