Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden niyari sa face mask

0 220

DUMATING na rin sa NBA bubble sa Orlando si James Harden nitong Huwebes, sumunod sa kanyang Houston Rockets teammates na nauna ng ilang araw sa Disney World.

May “family issues” raw na kinailangang ayusin pa si Harden.

Pagdating, nakasuot siya ng Blue Lives Matter mask.

Umani ng batikos ang mask ng kamador ng Houston, lalo ngayong todo ang suporta ng NBA sa Black Lives Matter movement.

Ilalagay ang Black Lives Matter sa court, naglabas pa ang liga ng listahan ng social justice messages na puwedeng ilagay ng players a likod ng kanilang jersey.

Hindi raw nagpapaka-kontrobersiyal si Harden, at suportado pa rin ang Black Lives Matter.

“It was just something that covered my beard. I thought it looked cool. That was it,” ani Harden, ayon kay Tim McMahon ng ESPN.

Pinag-iisipan pa raw niya kung paano ipapakita ang suporta sa Black Lives Matter sa NBA bubble, hindi pa rin nakakapag-desisyon kung maglalagay ng mensahe sa kanyang jersey.

Pangontra sa Black Lives Matter ang Blue Lives Matter, parang sinasabi ring ‘all lives matter.’ (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.