Abante Tonite Interactive

Harden pinantayan ang marka ni Chamberlain

267

Muling inakbayan ni James Harden si Wilt Chamberlain sa isa pang record sa NBA.

Nagsalansan ng 42 points si Harden Miyerkoles ng gabi kontra Minnesota para ilista ang pang-31 sunod na larong mayroon siyang 30 points o higit pa, kapantay ng record ni Chamberlain na second-longest streak sa kasaysayan ng liga.

Tumikada si Harden ng 15 of 34 mula sa field, 8 for 22 sa 3-point range.

Narating niya ang 30-point mark sa pamamagitan ng pang-15 niyang four-point play ng season. Kumagat si Josh Okogie sa isang fake, nang lumipad ang Timberwolves rookie ay nag-step back si Har­den at ibinaon ang 3-pointer na nagbigay sa Houston ng 74-67 lead sa kalagitnaan ng third.

Kinumpleto niya rin ang 22nd 40-point game niya ngayong season.

Pero nawalan ng saysay, dahil hindi niya naka­yang isalba ang Rockets sa 121-111 loss.

“To me, we have no tendencies right now,” wika ni Harden. “The tendency is just to come out slow in the third quarters.”